Kasaysayan ng Mundo: Isang Pagbabalik-tanaw

" Life can be understood backwards, but it must be lived forward."

Sinasabi na ang tanging daan upang maunawaan ang kasalukuyan, para sa ikagaganda ng kinabukasan ay sa pamamagitan ng pagbabalik-tanaw sa nakaraan. Ang pagsilip sa mahaba at masalimuot na kasaysayan ng bawat nilalang sa daigdig na ito ang makapagpapaliwanag sa lahat ng pangyayaring dumadatal sa ating buhay dito sa mundo.

Tayo ay nasa yugto ng kasaysayan ng mundo na tinatawag na Makabagong Panahon, o Modern Age. Ngunit bago marating ng tao at ng mundo ang bahaging ito ng kanyang kasaysayan, marami ng mga pangyayari ang gumimbal sa mga elemento ng oras at panahon dito sa daigdig. Nagsimula ang lahat sa pagkakabuo ng daigdig, sa pamumuhay ng mga pre-historikong nilalang kasama ang ebolusyon ng tao, ang pag-unlad ng mga kabihasnan buhat sa mga kultural na paniniwala, sa pagyabong ng mga kaalaman, kultura at pamamaraang lalong nagpaunlad sa pamumuhay ng tao, ang pagpapalawak sa kanilang "daigdig" na ginagalawan, pagsinay ng kasakiman at pagkakaisa sa sangkatauhan, hanggang sa marating ang mundo sa labas ng Earth, at maabot ang kasalukuyang panahon. Sa mahigit 4.6 bilyong taong kasama ang mundo sa kalawakan, iba't iba nang pangyayari at kaganapan at humubog sa kasaysayan nitong planetang itinuturing ng sangkatauhan bilang pinakamahalaga.

Sa mga pangyayaring nagaganap ngayon sa daigdig, na hindi lubusang maintindihan ng mga tao dito sa mundo, maaaring ang tanging daan upang maunawaan ito ay sa pagbabalik sa nakaraan, sa kasaysayan ng mundo, at maaaring ito ang magbigay liwanag sa madilim na kasalukuyan tungo sa maliwanag na kinabukasan. Ang mga bagay-bagay na nangyari noon ang tanging magbibigay-ilaw sa mga bagay-bagay na nangyayari ngayon, at marahil sa nakaraan natin maapuhap ang daan tungo sa kaunlarang kasundo ng bawat nilalang dito sa daigdig.

Ngunit, kahit na nasa kasaysayan ang kasagutan, hindi tama na mabuhay na lamang tayo sa nakaraan. Anong saysay ng pagkakadalubhasa sa mga pangyayari 'noon' kung hindi naman magagamit upang maayos ang 'ngayon?' Tunay ngang mahalaga ang nakaraan, ngunit hindi dapat doon na lamang matigil ang kasaysayan, dapat ang bawat araw na dumaraan ay maging kasaysayan, ang mundo ay magpatuloy sa pag-ikot at ang tao kasama na ang lahat ng nilalang ay magpatuloy sa pag-unlad.

Tunay nga ang kasabihang ang buhay ay mauunawaan sa pamamagitan ng kasaysayan, ng nakaraan, ngunit dapat ay isabuhay sa direksyon ng hinaharap.
Kasaysayan ng Mundo: Isang Pagbabalik-tanaw

Kami, mga mag-aaral sa Pamantasan ng Regina Carmeli, ay lumikha ng Blog na ito bilang proyekto sa Araling Panlipunan III - Kasaysayan ng Mundo.

Layunin ng blog na ito na:
1. Makabuo ng pinagsama-samang aralin mula ng Unang Markahan hanggang sa Ikatlong Markahan ng panuruang taon sa Kasaysayan ng Mundo
2. Maihatid ang mga araling may kaugnayan sa pag-aaral ng Kasaysayan ng Mundo at iba pang bagay na may kinalaman dito.
3. Mabuksan ang isipan ng mga kabataan ukol sa Kasaysayan ng Mundo tungo sa isang magandang kinabukasan

Mahalagang matimo sa puso't isip ng bawat kabataan ang mga pangyayaring humubog sa kasaysayan ng tao at ng mundong kanilang ginagalawan, upang sila'y maging mga tunay at ganap na mamamayan ng mundong ito na lilikha ng bagong kasaysayan.

Mas lalo naming masusukat kung gaano kaepektibo ang blog na ito kung magbibigay kayo ng mga komento/suhestiyon. Maraming salamat!

Medieval Age

Thursday, January 1, 2009


ANG MUNDO SA GITNANG PANAHON
MEDIEVAL AGE




PAG-USBONG AT PAGLAGANAP NG KRISTIYANISMO

  • nawalan ng kapangyarihan ang mga hari/ emperador
  • PAPA ang naging makapangyarihan at naging kanlungan ng mga tao

Bakit naging malakas ang simbahan?


Matatag na Organisasyong Simbahan


Pamumuno ng Simbahang Katoliko


*CELIBACY – pagtanggal ng abitong pari.


1. POPE LEO I (Leo the Great)

  • Humadlang sa mga Hun.
  • Unang ngapahayag ng Petrine Doctrine.

2. POPE GREGORY I (The Great)
  • Pinayapa niya ang Lombard
  • Unang gumamit ng titulong “Servus Servorum Dei,”
  • “Servant of the Servant Gods.”

3. POPE GREGORY VII
  • Nag-utos na hindi na payagan ng mga hari upang makapag-asawa.
  • Pagbawal ang SIMONY – pagbebenta Ng pwesto sa simbahan.
  • Pinanindigan niya abg tungkulin ng mga Emperador na sumunod sa Papa
  • ang nag-excommunicate kay Henry IV ng Holy Roman Empire

4. POPE INNOCENT III
  • Nagpatawag ng ikaapat na krusada




IMPERYONG BYZANTINE



  • 330 C.E., inilipat ng Emperador Constantine ang kabisera ng Imperyang Roman sa Constantinople, sa dakong silangan ng imperyo kung saan ang wika ng nakararaming tao ay greek.
  • Bumagsak ang kanlurang Imperyong Roman noong 476 C.E., ang silangang Imperyong Roman ay nanatiling buhay.
  • Subalit nang lumaon nahalinhan ang Silangang Imperyong Roman ng isa pang imperyong may ibang katangian.
  • Ang Imperyong Byzantine ay nakaugat sa kulturang Byzantine. Simula noong ikaanim na siglo, sinikap nito na muling itatag ang pagkakaisang pulitikal sa mga rehiyong Mediterranean.


Si Justinian at ang Silangang Imperyong Romano
  • Mula 527-565 C.E., si Justinian ang namuno bilang emperador ng Silangang Imperyong Roman. Layunin niya na maging makapangyarihan muli ang Imperyong Roman sa buong Mediterranean.
  • Tinalo ng kanyang hukbo ang mga Vandal sa Hilagang Africa, Ostrogoth sa hilagang Italy,at Visigoths sa Spain.
  • Sa kahuli-hilihan, kinailangan niyang pabalikin ang kanyang mga hukbo sa silangan at tuluyang talikuran ang anumang tangka na muling buhayin ang Kanlurang Imperyong Roman.


Ang Corpus Juris Civilis

  • Isa sa mga kahanga-hangang nagawa ni Justinian. Ang Corpus Juris Civilis o tinatawag din itong Lupon ng Batas Sibil.
  • Ito ay kalipunan ng lahat ng batas sa Rome sa loob ng isang milenyo. Ito ay tinipon ng mga hukom at abogado s autos ni Justinian. Ang corpus ay nahahati sa tatlong bahagi – ang Codex,Digest at Institutes.
  • CODEX – bod ng lahat ng batas mula sa unang panahon at nakaayos ayon sa paksa.
  • DIGEST – boud ng mga opinion ng mga hukom at abogado tungkol sa batas.
  • INSTITUTE – ang mga prinsipyo kung saan nakabatay ang mga opinyon.
  • Justinian’s Code – lupon ng Batas Sibil. Dito nag-uugat ang law code ng maraming bansa sa Europe at Latin America.


Si Theodora

  • Maimpluwensyang asawa ni Justinian. Ang tagapagpayo ni Justinian sa mga bagay-bagay.
  • Nagmula siya sa marangyamg uri. Anak siya ng isang nagtatrabaho sa circus. Bago siya naging isang emperatriz, siya ay dating aktres.

Hagia Sophia

  • Ipinatayo ni Justinian ang simbahan ng Hagia Sophia na ang ibog sabhin ay Church of Holy Wisdom o Banal na Karunungan.
  • Ito ay ginawa ng mahigit 10,000 tao at natapos pagkalipas ng pitong taon.
  • Pinagsama sa Hagia Sophia ang lahat ng magaling sa klasikal at Kristiyanong sining
  • Sa labas, makikita rio ang malalaki at matitibay mga pader at dambuhalang dome. Ang loob nito ay napupuno ng makukulay na mga larawan ni Hesukristo at mga santo.

Pagkakaiba ng Simbahang Roman at Simbahang Byzantine

  • Ang wikang ginagamit ng Rome sa mga pagdiriwang sa simbahan nito tulad ng misa, mga sakramento at iba pa ay, Latin samantalang Greek naman ang sa Imperyong Byzantine.
  • Ang mga pari sa Rome ay walang balbas at hindi maaaring mag-asawa samantalang ang mga pari sa Imperyong Byzantine ay may balbas at kadalasan ay nag-aasawa.
  • Ang Papa ng Rome ay hindi sakop ng kapangyarihang pulitikal ng estado smanatalang ang Patriach ng Constantinople ay hinihirang ng emperador at itinuturing na opisyal ng pamahalaan.


Iconoclastic Controversy

  • Noong panahon ng kanyang panunungkulan, ang emperador ng Byzantium na si Leo III ay nabahala sa dalawang bagay na nagaganap sa Simbahan.
  • Ang una ay ang yaman ng mga monasteryo kung saan mahigpit na tinututlan ng mga may-aring monghe ang anumang paraan na baguhin ang sistema ng pag-aari ng lupa.
  • Ang pangalawa ay ang patuloy na pagsamba sa icon o banal na estatwa o mga painting.
  • 726, iniutos ni Emperador Leo III ang pagsira ng mga lahat ng mga icon sa mga simbahan at monesteryo. Bilang ganti, siya ay ginawang excommunicated o excommulgado ng Papa ng Rome. Ibig sabhin nito, tiniwalag siya sa simbahan o pananampalataya.
  • Ang pagnanais ni Emperador Leo III na bawaasan ang kapangyarihan ng mga monghe at alisin ang mga estatwa sa mga simbahan ay lumikha ng isang mainit na sigalot sa pagitan ng Simbahan at ng estado na tinatawag na Iconoclastic Controversy.
  • Natapos ang sigalot noong 841 nang tanggapin ni Emperador Michael III ang pagkatalo. Subalit nanatiling hati ang dalawang simbahan.

Ang Paghihiwalay ng Simbahang Romano at Simbahang Byzantine

  • Naganap ang paghihiwalay ng Simbahang Roman at Simbahang Byzantine noong 1054. Nagpadala ang Papa ng Rome ng kanyang kinatawan sa Constantinople upang pag-usapan ang pagkakaiba ng dalawang simbahan.
  • Ginawang excommulgado ng Papa ng Rome ang Patriarch ng Constantinople. Gayundin ang ginawa ng Patriarch sa Papa sa Rome. Pagkatapos ng paghihiwalay, tinawag ng Imperyong Byzantine ang simbahan nito bilang Simbahang Eastern Orthodox.
  • Itinuring ng dalawa ang kanilang sarili bilang tunay na tagapagmana ng tradisyong Kristiyano. Para sa Rome, siya ang sentro at tagapagdesisyon ng Kristiyanismo. Para sa Constantinople, maraming sentro ang kristiyanismo na pawang pantay-pantay ang katayuan.
  • Tulad ng lumang Imperyong Roman, ang Simbahang Kristiyano ay nahati rin sa dalawang magkakaibang bahagi.

Pamahalaang Byzantine

  • Ang emperador ang lubos na pinuno ng pamahalaan. Siya ay inihahalal ng Senado, ng mga tao, ng hukbo o lahat silang tatlo.
  • Naging kaugalian ng payagan ang anak ng emperador na humalili at pagkatapos ay alisin siya kung mahina o walang kakayahan.
  • Ang emperador ay itinuturing na banal at hinirang ng Diyos, Nakatira siya sa isang magarang palasyo at gumaganap sa maraming seremonya.
  • Sa pamahalaang sibi, walang hihigit sa emperador sapagkat siya ang gumagawa ng batas at nagpapatupad nito. Nangingibabaw ang kanyang kapangyarihan sa Simbahan.
  • Siya ang humihirang sa Patriarch ng Constantinople na tumatayong pinuno ng Smbahan. Siya ang tumatawag ng mga pagpulong ng Simbahan at inilalathala niya ang mga dekrito nito.
  • Sa pangkahalatan, siya ng nangangasiwa ng lahat ng ginagawa ng mga pari.


Mga Kontribusyon ng Byzantium sa Kabihasnan

  • Napatanyag ang Byzantine hindi lamang sa pagiging sentro ng pag-aaral. Nagsama sa Byzantine ang kaalamang katuturan ng Simbahang Kristiyano. Subali ang tradisyong Greek ang nanaig at hindi ang kabihasnang Roman.
  • Mahalaga ang kontribusyon ng Imperyong Byzantine sa daigdig. Samantalang nababalot sa kaguluhan ang Europa at bumaba ang interes sa pag-aaral, namayagpag ang mga iskolar ng Byzantine.

Pagpapanatili ng Kaalaman
  • Pinag-aralan ng Byzantine ang panitikan, pilosopiya, agham, matematika, batas at sining ng Greece at Rome. Nang lumaon, tumulong sila upang magbalik-sigla ang pag-aaral sa Kanlurang Europa.
  • Ang mg akda ng mga iskolar ng Byzantine ay nakatulong na magbigay inspirasyon sa mga iskolar na Muslim.


Arkitektura
  • Makikita ang mga arkitekturang Byzantine sa Hagia Sophia. Parihaba ang istruktura ng simbahang ito subalit may bilog na dome ang loob.
  • Maganda ang pillar at pader nito na gawa sa marmol. Maranya rin ang ginintuang mosaic at ang iba pang dekorasyon sa loob ng simbahan.


Sining
  • Ang kabihasnang Byzantine ay kilala sa pagiging orihinal sa sining. Pagkatapos ng Iconoclastic Controversy, itinatag ang isang paaralan sa sining kung saan binigyang-diin ang paglalarawan kay Kristo at ang mga santo gamit ang matingkad na kulay at magarbong pamamaraan.
  • Ang mga Byzantine mosaic ay gumagamit ng matitingkad at magagandang kulay. Ang mosaic ay ang pagdidikit ng malilit na pira-pirasong bato o bubog upang bumuo ng disenyo.
  • Ang mga kurbada ng mga arch at dome ng mga gusaling Byzantine ay lalo pang nagpapatingkad sa rangya at ganda ng mga mosaic.
  • Bantog din sa sining ng enameling o paglagay ng isang glass-like substance sa ibabaw o labas ng isang metal o luwad.
  • Ang mamahaling telang gawa sa Imperyong Byzantine tulad ng seda, linen, bulak at lana, ay kilala at hinahanap ng maraming mamimili.



ANG SIMBAHANG KATOLIKO NOONG GITNANG PANAHON



Monastisismo
  • Pagtalikod sa Daigdig upang makamit ang mas mataas na antas ng Kristiyanismo
  • Binubuo ito ng mga monghe

Mga Sikat na Monasteryo


a. Monte Cassino sa Italy

b. Iona sa Ireland

c. Cluny sa Burgundy

St. Benedict


ST. BENEDICT – nagtatag ng Benedictine Order

Isinasaad sa Benedictine Order ang tatlong palatuntunan, ito ay ang mga:
a. Kahirapan
b. Kalinisan
c. Pagkamasunurin

Ayon kay St. Benidict:
“ANG KATAMARAN AY KAAWAY NG KALULUWA”

Mga Dakilang Guro

St. Thomas Aquinas

St. Albertus Magnus

Fr. Roger Bacon


ANG HOLY ROMAN EMPIRE AT SI CHARLEMAGNE

Pagsikat ni CHARLEMAGNE or Charles the great

  • Mula sa mga Franks
  • Magkaisa ang simbahan at estado
  • kinoronahan siya ni Pope Leo III bilang "Holy Roman Emperor"
  • pinalawak ang Kristiyanismo
  • 46 years naghari

Kasunduan sa Verdun

- paghahati hati ng kaharian ni Charlemagne


  • Charles the Bald = France
  • Louis the German = Germany
  • Lothair = Italy


PIYUDALISMO SA EUROPA


MGA KRUSADA

Pagtatanggol sa Banal na Lupain

JERUSALEM

Holy Land

binihag ng mga Seljuk Turks


Panawagan sa Krusada

  • Emperador Alexius I
  • Papa Urban II (Council of Clermont)

Krusada

Kinalabasan

Unang Krusada

- pinakamatagumpay na krusada

- nabawi ang Jerusalem noong 1099

- ang mga crusader ay nanatili sa Palestine at Syria

Pangalawang Krusada

- pinagunahan ni Haring Louie VII ng France at Emp. Conrad III ng Holy Roman Empire

- bigo

Pangatlong Krusada

ANG

LAHAT

NG

KRUSADANG ITO

AY

NABIGO

Pang-apat Krusada

Panglimang Krusada

Pang-anim na Krusada

Pangpitong Krusada

Pangwalong Krusada

Pangsiyam na Krusada

Pangsampung Krusada

Panglabing-isang Krusada



PAG-UNLAD NG MGA BAYAN AT LUNGSOD

Mga Salik na Nagbunsod sa Pag-unlad ng Kalakalan at Pag-usbong ng mga Bayan at Lungsod
  • Paggamit ng salapi at barya (money economy, hal. Florin ng Florence at Ducat ng Venice)
  • Pagbabanggko
  • Pagpapautang
  • Pamumuhunan
  • Espesyalisasyon
  • Pagtatayo ng mga fair o tagpuan ng mga mangangalakal mula sa iba’t ibang bahagi ng Europe

Mga Bagong Bayan at Lungsod
  • Italya
  • Genoa
  • Milan
  • Florence
  • Pisa

Mga Lungsod na Sentro ng Relihyon
  1. Canterbury sa England
  2. Santiago de Compostela ng Spain

Mga Lungsod na Sentro ng Pamantasan o University
  • Oxford sa England
  • Paris sa France
  • Salamanca sa Spain
  • Bologna at Palermo sa Italya
  • Louvain sa Belgium
  • Lisbon sa Portugal


PAG-UNLAD NG KALAKALAN
(Espesyalisasyon at Guilds)

Mga Tanyag na Lungsod sa Larangan ng Espesyalisasyon ng mga Produkto

  • Venice sa Italy – basong kristal
  • Jeres sa Spain – Cherry
  • Dresden sa Germany – porselana
  • Antwerp sa Belgium – pagbuburda
  • Toledo sa Spain– Bakal
  • Oporto sa Portugal - Alak

Pagkakaroon ng Guilds

Guild - samahan ng mga artisano, manggagawa at magangangalakal
Hanseatic Guild -
pinakamalaking guild noon sa Hilagang Europa, binubuo ng 70 na lungsod

Apprentice
(baguhan, nag-aaral)

Journeyman
(tumatanggap ng bayad)

Mastercraftsman
(gumagawa ng masterpiece para maging mastercraftsman)


PAGKAKATATAG NG MGA NATION-STATES



KRISIS SA SIMBAHAN/ HIDWAAN NG HARI AT PAPA



REPORMASYON AT KONTA-REPORMASYON



PAGTATAPOS NG PANAHONG MIDYIBAL

Bubonic Plague/ Black Death
  • kumitil sa 1/3 ng populasyon ng Europe
  • pumatay ng 20 katao
  • dulot ng bacteria na tinatawag na Yersinia pestis
  • malaki pinsala ang naging dulot nito sa Europa, halos nabago ang antas ng lipunan sa dami ng biktima
  • malaki rin ang pinsala nito sa Simbahang Katoliko, at nagbunsod sa pagpapapatay sa mga nakabababa sa lipunan, gaya ng mga Hudyo, banyaga, pulubi at ketongin


52 comments:

keren^^ said...

nice^^ ehehe

Anonymous said...

baaaaakiiitttt kuuullaaannggggg paaahhh ddiiiinnn????!!!!!
kainiiiiiiiiiizzzzzzzzzzzzzzzzz!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
hindi niu mn lng bnanggit kung bkit nabig0 ung ibng KRUSADA!!!!!!!!!PUUUTTTAAAAA!!!!!

Anonymous said...

kainaman bitin yan!!!

Anonymous said...

nice one. complete sia ah. HAHA. tapos na namin yan ee. haha . kya co nasbing complete. nice. continue lang. good job.

Anonymous said...

bakit po puro organizers walang mga sentenses para ipaliwanag, at ang mga ibang talang numero ay di malaman kung taon ba ito o kung anu man

Anonymous said...

ou nga kulang pa dn amf nmn oh

Anonymous said...

kulang talaga dapat kasama yung produkto ng mga lungsod at bayan na umunlad pag-katapos ng krusada

Anonymous said...

asan un ambag ung holy roman empire?

Anonymous said...

bakit walang mga salik na nagbunsod sa repormasyon???????????peo k lng maganda rin nman eh????????

Anonymous said...

wat ah hek....

Anonymous said...

wow ang ganda at
kompleto
marami akong natutuha

Anonymous said...

Saan niyo po nakukuha ang mga impormasyon ninyo. pakiusap naman po, pakilagay iyong mga links (kung meron man) o pangalan ng libro.

Anonymous said...

anu bayan kulang padin tlga /... wala ba yung
MGA BANTOG NA NAYON SA MEDYIBAL EUROPE ??
pls i need na tlga ... aist hrap maghnap nohhhhhhhh

Anonymous said...

NICE

Anonymous said...

tnx .. ^^

Anonymous said...

tnx.....

Anonymous said...

..nice po but parang may kulang po ata ehh yung MERKANTILISMO ANG EPEKTO SA EUROPA..:)

Anonymous said...

Thanks!!! nakatulong din naman

Anonymous said...

i need it now..gosh

Anonymous said...

TNx!!xa eDi2R.,., good Job

Anonymous said...

nice..but theres still missing

Anonymous said...

:)aus!

Anonymous said...

I'm looking for some additional info for my project in History. It's entitled, "Mga Krusada sa Gitnang Panahon". But I didn't find any sufficient information.

- From: Meyii of Cavite

Anonymous said...

nice ^^ nakatulong sa project ko ^__________^ THNX!

Anonymous said...

auz 2,. hahaha.. nasagot ku la'at ng assignment ku.. TY... ;))

Anonymous said...

hmm .. meron po kayo nung sa europe ??

Anonymous said...

nice...3rd yr,.hehe

Anonymous said...

ala nman d2 kelangan kooooohhhhhhhhhhhh........

Anonymous said...

It's nice to study more about the history of the Roman Catholic Church . Everyone should see this page so that the other sects would realize us .

Anonymous said...

This site is a key to history :)

ayiesha said...

wow nman kbisado nio pa un ?!
an dmi kong natu2nan. . .

Anonymous said...

thank you po for the amazing info...... :) 10:01 pm.. mali kasi yung time. lol

Anonymous said...

huh? Ano ba ang dahilan na tinawag na Holy Roman Empire ang Roma? -.-

Anonymous said...

xEnon >:( kulang talaga buwisit.........................parang wala akong maakuha................

Anonymous said...

tnx po may laman na rin notebook ko..wahahahahah
kakatamad magsulat eh
hehehe.tnx ule

Anonymous said...

please add more...

Anonymous said...

October 5, 2012
Thanks for the information,,
that i read. I'm so very astonish
because, i found a website that would be answer to my question, about roman..:)
GREAT JOB.!!

Joline said...

Bakit tinalikuran na ni Justinian yung pagbuhay ng Kanlurang Imperyong Roman???!!

Anonymous said...

Mayroon po bang PILOSOPIYA NOONG GITNANG PANAHON HANGGANG RENAISSANCE? PLEASE KAILANGAN KO PO PARA SA THESIS NAMIN. Maraming salamat po at sana maibigay nyo po saakin ito sa lalong madaling panahon.

Anonymous said...

love it nakuha ko na ang kailangan kong malaman
pero hindi lahat ehhh!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
pwede bang pakilagay din kung ano ang imperyong byzantine....
:)

Anonymous said...

wow nice mapapa aga ata akong makatulog dahil hindi ko po mahanap ang hinahana ko dito...

Anonymous said...

salamat po sa impormasyon :)

TAY said...

GALING! EDI, WOW! HIHIJK. TY 4 THE INFOS.

Anonymous said...

TSE. Pabebe :)

Anonymous said...

ano ano ang mga batas na nasa corpus juris civilis na matatagpuan pa rin ngyon sa saligang batas ng Pilipinas?

Anonymous said...

Ang Galing..!
Kumpleto..!
Tenchu ^^

Anonymous said...

kulang na kulang ano ba T,T arghhhhhhhh .............

Anonymous said...

creep where is guild abput there???

Unknown said...

kulng

Anonymous said...

Thank You very much!
I've learned many things....

Unknown said...

gawain ng mga monghe?

Anonymous said...

Then magpasalamat ka nalang di yang magmumura kapa

Post a Comment

Unang Pangkat
III - Modesty

John Lenard Ventura
Zairramayca Adriano
Sharmae Gonzales
Joan Marie Corpuz
Amiel Pineda
Ma. Celerina Baltazar
Angeli Mae Victoria
Ma. Lerica Ina Morales
Jonathan Cruz
Jastine de Regla
Charito Quetua
Reimarck Armas


Sa pamamatnubay ni:

Bb. Madonna C. Roque
Guro - Araling Panlipunan III - Kasaysayan ng Mundo