Kasaysayan ng Mundo: Isang Pagbabalik-tanaw

" Life can be understood backwards, but it must be lived forward."

Sinasabi na ang tanging daan upang maunawaan ang kasalukuyan, para sa ikagaganda ng kinabukasan ay sa pamamagitan ng pagbabalik-tanaw sa nakaraan. Ang pagsilip sa mahaba at masalimuot na kasaysayan ng bawat nilalang sa daigdig na ito ang makapagpapaliwanag sa lahat ng pangyayaring dumadatal sa ating buhay dito sa mundo.

Tayo ay nasa yugto ng kasaysayan ng mundo na tinatawag na Makabagong Panahon, o Modern Age. Ngunit bago marating ng tao at ng mundo ang bahaging ito ng kanyang kasaysayan, marami ng mga pangyayari ang gumimbal sa mga elemento ng oras at panahon dito sa daigdig. Nagsimula ang lahat sa pagkakabuo ng daigdig, sa pamumuhay ng mga pre-historikong nilalang kasama ang ebolusyon ng tao, ang pag-unlad ng mga kabihasnan buhat sa mga kultural na paniniwala, sa pagyabong ng mga kaalaman, kultura at pamamaraang lalong nagpaunlad sa pamumuhay ng tao, ang pagpapalawak sa kanilang "daigdig" na ginagalawan, pagsinay ng kasakiman at pagkakaisa sa sangkatauhan, hanggang sa marating ang mundo sa labas ng Earth, at maabot ang kasalukuyang panahon. Sa mahigit 4.6 bilyong taong kasama ang mundo sa kalawakan, iba't iba nang pangyayari at kaganapan at humubog sa kasaysayan nitong planetang itinuturing ng sangkatauhan bilang pinakamahalaga.

Sa mga pangyayaring nagaganap ngayon sa daigdig, na hindi lubusang maintindihan ng mga tao dito sa mundo, maaaring ang tanging daan upang maunawaan ito ay sa pagbabalik sa nakaraan, sa kasaysayan ng mundo, at maaaring ito ang magbigay liwanag sa madilim na kasalukuyan tungo sa maliwanag na kinabukasan. Ang mga bagay-bagay na nangyari noon ang tanging magbibigay-ilaw sa mga bagay-bagay na nangyayari ngayon, at marahil sa nakaraan natin maapuhap ang daan tungo sa kaunlarang kasundo ng bawat nilalang dito sa daigdig.

Ngunit, kahit na nasa kasaysayan ang kasagutan, hindi tama na mabuhay na lamang tayo sa nakaraan. Anong saysay ng pagkakadalubhasa sa mga pangyayari 'noon' kung hindi naman magagamit upang maayos ang 'ngayon?' Tunay ngang mahalaga ang nakaraan, ngunit hindi dapat doon na lamang matigil ang kasaysayan, dapat ang bawat araw na dumaraan ay maging kasaysayan, ang mundo ay magpatuloy sa pag-ikot at ang tao kasama na ang lahat ng nilalang ay magpatuloy sa pag-unlad.

Tunay nga ang kasabihang ang buhay ay mauunawaan sa pamamagitan ng kasaysayan, ng nakaraan, ngunit dapat ay isabuhay sa direksyon ng hinaharap.
Kasaysayan ng Mundo: Isang Pagbabalik-tanaw

Kami, mga mag-aaral sa Pamantasan ng Regina Carmeli, ay lumikha ng Blog na ito bilang proyekto sa Araling Panlipunan III - Kasaysayan ng Mundo.

Layunin ng blog na ito na:
1. Makabuo ng pinagsama-samang aralin mula ng Unang Markahan hanggang sa Ikatlong Markahan ng panuruang taon sa Kasaysayan ng Mundo
2. Maihatid ang mga araling may kaugnayan sa pag-aaral ng Kasaysayan ng Mundo at iba pang bagay na may kinalaman dito.
3. Mabuksan ang isipan ng mga kabataan ukol sa Kasaysayan ng Mundo tungo sa isang magandang kinabukasan

Mahalagang matimo sa puso't isip ng bawat kabataan ang mga pangyayaring humubog sa kasaysayan ng tao at ng mundong kanilang ginagalawan, upang sila'y maging mga tunay at ganap na mamamayan ng mundong ito na lilikha ng bagong kasaysayan.

Mas lalo naming masusukat kung gaano kaepektibo ang blog na ito kung magbibigay kayo ng mga komento/suhestiyon. Maraming salamat!

Pinagmulan ng Daigdig

Thursday, January 1, 2009



PINAGMULAN NG DAIGDIG

AYON SA BIBLIYA

Origin Belief
  • Mga paniniwala at salaysay ukol sa pinagmulan ng kalawakan, ng ating daigdig, ng buhay at maging ng sangkatauhan ayon sa relihyon.
  • Maliban sa relihiyon, maari rin mangaling ang mga paliwanag sa pinagmulan sa mga pagsusuri ng siyentipiko at mga pagmumunimuning metapisikal
Creationism
  • isang sistema ng paniniwala na ang lahat ng mga bagay at materyak sa kalawakan ay nilikha ng isang diyos o ng isa o higit pang makapangyarihan at matalinong nilalang mula sa kalawakan
  • pamamaraang kahima-himala (supernatural), makadiyos (theistic), o maalamat (mythological)
  • Genesis (Jew), o sa Qur'an (Muslim)

Ayon sa Bibliya

  • nilikha ng Diyos na si Yahweh ang mundo sa loob ng 6 na magkakasunod na araw 1000 taon na ang nakalilipas
Unang Araw:
Liwanag

Ikalawang Araw:
Langit at Lupa

Ikatlong Araw:
Bagay sa Kalawakan, butuin, buwan, atbp
Ikaapat na Araw:
Mga Halaman at Puno

Ikalimang Araw:
Mga Hayop

Ikaanim na Araw:
Tao


AYON SA MGA ALAMAT/ MITO

Creation Myth
  • paniniwala at salaysay ukol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay alinsunod sa kultura ng isang grupo ng tao
  • Ang katagang ito ay hindi angkop at nakapagpapababa ng tingin sa mga kuwentong pinaniniwalaan ng karamihan dahil sa katagang mito o myth (hindi kapani-paniwala at hindi makatotohanan).

MGA PAG-AARAL UKOL SA PAGLIKHA AT KAGANAPAN SA DAIGDIG

1650
  • James Ussher

    ang arsobispong Angelican ng Armagh sa Ireland na nagpahayag na ang paglikha ay naganap noong 4004 B.C.E. Ito ay batay sa kanyang pagtutuos ng numerolohiya sa lumang tipan (Old Testament) ng bibliya.

  • John Lightfoot

    ang master ng St. Catherine’s Cllege sa Cambridge, England. Ayon sa kanya ang araw ng paglikha ay naganap noong ikasiyam ng umaga ng Oktubre 23.

  • Ussher - Lightfoot - ang daigdig ay nasa 6,000 taon pa lang
1800
  • Diluvial Theory - ang mga fossils ay walang iba kundi ang mga labi ng hayop na namatay sa The Great Flood
  • Catastrophe Theory - serye ng mga kalamidad na lumipol sa populasyon ng mga hayop at halaman sa daigdig, kaya't nagkaroon ng 27 paglikha; ayon kay George Cuvier

AYON SA AGHAM

MGA TEORYA TUNGKOL SA PINAGMULAN NG DAIGDIG


Ang Nebular Theory
  • Immanuel Kant (1755) at Pierre-Simon Laplace (1796)
a. isang napakalaking ulap ng mga gas sa kalawakan
b. patuloy na umiikot dahil sa gravity
c. nagsama-sama ang mga gas at dust para maging planeta
  • Nebula (ulap) - Solar System kasama ang Earth
  • Gas + Dust
  • nagpapaikot-ikot ang nebula
  • bumagal at lumamig


Planetisimal Theory
  • Planetisimal - asteroid sa pagitan ng Mars at Jupiter
  • Thomas Chamberlain at Forest Maulton, binago ni Harold Jeffreys
  1. nagbanggaan ang dalawang malaking bituin
  2. ang mga tipak ay tumilansik at nagpaikot-ikot sa kalawakan (mga gas)
  3. tumigas , nabuo at naging planeta (condensation)


Big Bang Theory
  • Georges Lemaitre at Carl Wilhelm Wirtz
  • pinagmulan ng kalawakan (universe)
  1. isang napakasiksik at napakainit na kalagayan (14 B years ago)
  2. lahat ng galaxy - nakapatong sa isang punto
  3. sumabog ang punto - kumalat at lumayo
  • Expanding Universe - Edwin Hubble





Pag-aaral sa Heograpiya ng Daigdig

PAG-AARAL SA HEOGRAPIYA NG DAIGDIG

Katuturan ng Heograpiya
  • pag-aaral sa pisikal na anyo ng daigdig
  • Griyego "geos" at "graphia" (deskripsyon ng mundo)
Mga Tinatalakay sa Heograpiya
  • anyong lupa
  • anyong tubig
  • likas at pampulitikang pagkakahati ng mga lupain
  • klima
  • produkto/ yamang likas
  • interaksyon ng tao
Tuon/ Tema
  • lokasyon
  • kalagayang pisikal
  • ugnayang tao-kapaligiran
  • paggalaw ng tao
  • rehiyon ng daigdig

ANG CONTINENTAL DRIFT THEORY
Continental Drift Theory
  • paggalaw/ pagkakaanod ng mga kontinente
  • Alfred Wegener
  • and mga kalupaan ay patuloy na gumagalaw
225 Million Years Ago
Pangaea (lupa)
Panthalassa (tubig)

135 Million Years Ago
Laurasia
Gondwanaland

65 Million Years Ago
N. America, Eurasia, Australia S. America, Antarctica, Africa

Present
7 Kontinente





ANG MGA KONTINENTE NG MUNDO



Asia


Africa


North America


South America


Antarctica


Europe


Australia at Oceania



MGA ANYONG LUPA AT ANYONG TUBIG NG MUNDO

Buksan ang mga powerpoint at idownload sa slideshare:
Landforms
View SlideShare presentation or Upload your own. (tags: landforms)


Bodies Of Water
View SlideShare presentation or Upload your own. (tags: education)


2.2 - Bodies of Water
View SlideShare presentation or Upload your own. (tags: geography oceans)

Mga Kontinente
View SlideShare presentation or Upload your own. (tags: continents)

Mga Isyung Pangkapaligiran sa Daigdig


MGA ISYUNG PANGKAPALIGIRAN NG DAIGDIG

CLIMATE CHANGE


  • Lahat ng pangmatagalang pagbabago sa average weather ng isang lugar o ng mundo. Ang average weather ay maaaring binubuo ng average temperature, precipitation at wind patterns.
  • Mga pagbabago sa normal na estado ng atmospera na tumatagal ng dekada hanggang milyong taon
Mga Salik sa Pagkakaroon ng Climate Change

Salik na Pangklima
  • Glaciation – pagkakaroon ng mga glaciers, mga sensitibong tagasukat ng climate change; bigla-biglang lalamig, at iinit naman sa mga susunod na panahon
  • Ocean Variability – interaksyon ng dagat at atmospera
  • Memory of Climate – sanga-sanga ang mga epekto

Salik na Hindi Pangklima

  • Pagkakaroon ng Greenhouse Effect dulot ng mga Greenhouse gases
  • Plate Tectonics – sa mahabang panahon, binabago nito ang posisyon at hugis ng mga kontinente, karagatan, at nakagagawa o sumisira ng mga kabundukan na maaaring magbago ng klima
  • Solar Variation – 99% ng enerhiyang init ay nanggagaling sa araw, na siyang nagtatakda ng init ng mundo at klima na maaaring mabuo rito
  • Orbital Variation – ang pagbabago sa orbit ng mundo ay maaaring magdulot rin ng solar variation
  • Volcanism – ang pagsabog ng mga bulkan ay nakakaepekto rin sa pagbabago ng klima, lalo na ang mga malalakas na pagsabog
Anthropogenic o Gawa ng Tao
  • Fossil Fuels – ang pagsusunog ng fossil fuels bilang mapagkukuhanan ng enerhiya ay nakakadagdag sa dami ng Carbon Dioxide sa atmospera, isang greenhouse gas
  • Aerosols – nakadudulot ito ng mga paglamig sa atmospera
  • Cement Manufacture – nakakadagdag rin sa Carbon Dioxide sa atmospera
  • Land Use – ang mga irigasyon, ang deforestation at agrikultura ay nakapagpapabago ng kapaligiran, kaya’t naaapektuhan rin ang klima


Global Warming



  • Ang pagtaas ng average temperature sa atmospera at karagatan ng mundo simula noong ika-20 siglo
  • Dahil sa pagtaas ng konsentrasyon ng Greenhouse gases sa atmospera
  • Nagdudulot ito ng pagtaas ng lebel ng mga karagatan at pagbabago sa laki at pattern ng precipitation, at paglaki ng mga disyerto
  • Nagdudulot din ito ng mga sukdulang panahon, pagbabago sa ani, pagbabago ng mga rutang pangkalakalan, pagkalusaw ng mga glacier, extinction ng mga nilalang at pagdami ng mga nagdadala ng sakit

Greenhouse Effect


  • Pagbabago sa balance ng temperature ng mundo sa pagkakaroon ng atmospera na binubuo ng mga gas na humihigop at naglalabas ng infrared radiation
  • Ang mga gas na ito ay nagpapainit sa atmospera sa pamamagitan ng paghigop ng thermal infrared radiation galling sa mukha ng daigdig, sa atmospera at sa mga ulap
  • Ito naman ay muling ibinabalik sa lahat ng direksyon, kaya’t nakukulong ang init sa atmospera
DESERTIFICATION

  • Degredasyon ng lupa sa mga arid (tuyo) at dry sub-humid na lugar, dulot ng mga tao at sa impluwensya ng pagbabago sa klima
  • Nababago nito ang biodiversity at nawawalan ng taba ang lupa para sa pagtatanim

DEFORESTATION

  • Ang pagbabago sa mga kagubatan tungo sa mga non-forested land, para gamitin sa pagpapastol, urbanisasyon, pangangahoy at maaring magresuta sa mga lupaing arid at wasteland
  • Bunsod ng pagtatanggal ng mga puno ng mas malaking bilang kaysa sa pagtatanim, na nakapagpapababa sa kalidad ng habitat at biodiversity, mga kahoy, at maging ng buhay

Mga Sanhi

  • Pagbabago sa klima
  • Apoy (wildfire)
  • Hurricanes
  • Acid Rain
  • Kagagawan ng tao (polusyon, ilegal na pangangahoy)

OZONE DEPLETION


  • Naglalarawan sa mabagal at matatag na pagbaba, 4%, ng total volume ng ozone sa atmospera; at sa pagkakaroon ng ozone hole sa mga polo
  • Nagaganap kapag sinisira ng chlorine at bromine mula sa chlorofluorocarbon ang ozone
  • Ozone Layer – ang nagsisilbing panangga ng mundo sa mapaminsalang Ultra Violet Rays (UV) sa atmospera
  • Ito ay nagdudulot ng skin cancer, pinsala sa halaman, at pagbaba ng populasyon ng mga plankton sa karagatan

POLLUTION
  • Paglalagay ng mga contaminants sa kapaligiran (lupa, hangin, tubig) na nagdudulot ng pagkarupok, karamdaman, sakit at hirap sa mga sistemang pisikal o mga nilalang na nabubuhay sa kapaligirang iyon

Uri ng Polusyon
Polusyon sa Hangin

  • Pagkakaroon ng mga kemikal, particulate matter, o biyolohikal na materyal na nagdudulot ng kapansanan sa mga nilalang, pinasala sa kapaligiran sa ating atmospera
Polusyon sa Tubig

  • Kontaminasyon ng tubig gaya ng mga lawa, ilog, dagat at groundwater dulot ng kagagawan ng mga tao, at pumipinsala sa mga organismo at halamang nabubuhay at gumagamit ng tubig
Polusyon sa Lupa

  • Degradasyon ng lupa dulot ng kagagawan ng tao at maling paggamit ng lupa, gaya ng pagtatapon ng mga urban at industrial na waste, pang-aabuso sa mga mineral, at maling paggamit ng lupa sa agrikultura, maging ang urbanisasyon at industriyalisasyon

Pre-historikong Panahon ng Kasaysayan

PRE-HISTORIKONG PANAHON NG KASAYSAYAN

MGA TEORYA TUNGKOL SA PINAGMULAN NG TAO

  • Natural selection = isang proseso kung saan nagtataglay ng katangian ang isang individual na ito ay nabubuhay at dumarami.
  • Ebolusyon = isang teoryang tumutukoy sa lahat ng uri ng nilalang ay nagmula sa iisang ugat o ninuno.
  • Raelism = iisang samahan na pinaniniwalaang ang pasimula ng buhay ay nagmula sa mga nilalang na mula sa ibang lugar.
  • Panspermia = na ang buhay ng mundo ay dala ng isang bulalakaw, mikrobyo at baktirya.
  • Mutation = permanenteng pagbabago at panloob na pagbabago.

TAON

SPECIES

4 mil. - 2 mil. BP

Hominid

2.5 mbp - 1.5 mbp

Homo habilis

1.6 mil. – 200,000 taon

Homo erctus

900,000 – 60,000

Java man

500,000 – 300,000

Peking man

200,000 – 100,00

Homo sapiens

150,000 – 32,000

Neanderthal man

45,000 – 15,000

Cro-magnon


Pinagmulan ng Tao Ayon sa Agham

Ebolusyon
Ape ==> Tao



1832 - 1836 HMS Beagle Expedition

South America

Galapagos Island

Dito niya natagpuan ang mga fossils, mga halaman, hayop at bato

Dito nabuo ang ebolusyon ng mga species
  • Nag karoon ng pagbabago sa pisikal na katangian ng isang species o grupo ng mga species dahil sa ibat ibang salik tulad ng kapligiran, adaptaion, mutation at panahon

Adaptation
  • Theory of AQUIRED CHARACTERISTICS
  • Pagbabago ng isang nilalang base sa estado ng kapaligiran.
  • PAG-AANGKOP= pag-akma ng tao sa bahaging kanyang tinitirhan na maaring mapagpabago ng kaunti sa pisikal na anyo
Main Types ng Adaptation
  1. Color
  2. Behavior
  3. Function
  4. Structural
  • Ito ay nagaganap ng matagal na panahon
  • Makiayon sa klima at topograpiya
  • Ang mga halaman at hayop na hindi kayang makiayon sa kapaligiran ay mamamatay at maglalaho.
Mutation
  • Panloob na pagbabago
  • Permanenteng pagbabago ng katangiang mana ng iasang species sa kanyang magulang
  • Nagaganap kapag nagkakaroon ng pagkakamali ng DNA.
  • Nagbabago ang katangian ng anak
  • Nababago ang itsura ng panahon ng replikasyon
  • Ang pakikiayon ng mga species sa kapaligiran ay isa sa maaaring magdudulot ng mutation.

Natural Selection
  • dulot ng kapaligiran
  • On the Origin of Species by Means of Natural Selection ni Charles Darwin (1859)
  • ang may pinaka-angkop na katangian ay nabubuhay, at ang walang kaaya-ayang katangian ay namamatay
  • likas na pagpili ng nilalang na mabubuhay

Survival of the Fittest
  • nagkakaroon ng kompetisyon ang mga nilalang
  • tautology
  • pakikipaglaban para mabuhay
  • Herbert Spencer (Principles of Biology, 1864)


ANG EBOLUSYON NG TAO

Ebolusyon
  • Isang mahabang proseso.
  • Ang teoryang ito ay nagsasaad ng buhay sa daigdig na nagmula sa isang simpleng selyula.
  • Ang lahat ng uri ng mga nilalang ngayon ay nagmula sa iisang ugat o ninuno.
  • Pag-unlad ng mga species mula sa kinagisnang kaanyuan patungo sa kasalukuyang estado

Hominid


Homo Habilis


Homo Erectus

Java Man

Peking Man


Homo Sapiens

Neanderthal Man

Cro-Magnon Man
Tabon Man


EBOLUSYONG KULTURAL NG TAO

Mga Yugto sa Pag-aaral ng Kasaysayan
Pre-Historiko

  • Mula 1,000,000 B.C.E – 5000 B.C.E.
  • Bago natutong magtala ng kasaysayan ng tao

Historiko
  • mula 5000 B.C.E. hanggang sa kasalukuyan
a.) Ancient/ Matandang panahon
  • mula 5000 B.C.E – 500 A.D.

b.) Medieval/ Gitnang panahon

  • mula 500 A.D. – 1, 500 A.D.

c.) Modern/ Kasaluyang panahon

  • 1, 500 A.D. – to the present


Time Chart of the Earth and Its People

Pre-Historic Man
  • Java man ang peking man = 1,000,000 yrs. ago
  • Neanderthal man = 50,000 – 100,000 yrs. Ago
  • Cro – magnon = 20, 000 yrs. ago

World's Ages
  • Palaeolithic (Old Stone Age) = 50,000 – 100,000 to 10,000 yrs. Ago
  • Neolithic (New Stone Age) = 10,000 yrs. Ago
  • Metals = 6,000 yrs. ago















Unang Pangkat
III - Modesty

John Lenard Ventura
Zairramayca Adriano
Sharmae Gonzales
Joan Marie Corpuz
Amiel Pineda
Ma. Celerina Baltazar
Angeli Mae Victoria
Ma. Lerica Ina Morales
Jonathan Cruz
Jastine de Regla
Charito Quetua
Reimarck Armas


Sa pamamatnubay ni:

Bb. Madonna C. Roque
Guro - Araling Panlipunan III - Kasaysayan ng Mundo