Kasaysayan ng Mundo: Isang Pagbabalik-tanaw

" Life can be understood backwards, but it must be lived forward."

Sinasabi na ang tanging daan upang maunawaan ang kasalukuyan, para sa ikagaganda ng kinabukasan ay sa pamamagitan ng pagbabalik-tanaw sa nakaraan. Ang pagsilip sa mahaba at masalimuot na kasaysayan ng bawat nilalang sa daigdig na ito ang makapagpapaliwanag sa lahat ng pangyayaring dumadatal sa ating buhay dito sa mundo.

Tayo ay nasa yugto ng kasaysayan ng mundo na tinatawag na Makabagong Panahon, o Modern Age. Ngunit bago marating ng tao at ng mundo ang bahaging ito ng kanyang kasaysayan, marami ng mga pangyayari ang gumimbal sa mga elemento ng oras at panahon dito sa daigdig. Nagsimula ang lahat sa pagkakabuo ng daigdig, sa pamumuhay ng mga pre-historikong nilalang kasama ang ebolusyon ng tao, ang pag-unlad ng mga kabihasnan buhat sa mga kultural na paniniwala, sa pagyabong ng mga kaalaman, kultura at pamamaraang lalong nagpaunlad sa pamumuhay ng tao, ang pagpapalawak sa kanilang "daigdig" na ginagalawan, pagsinay ng kasakiman at pagkakaisa sa sangkatauhan, hanggang sa marating ang mundo sa labas ng Earth, at maabot ang kasalukuyang panahon. Sa mahigit 4.6 bilyong taong kasama ang mundo sa kalawakan, iba't iba nang pangyayari at kaganapan at humubog sa kasaysayan nitong planetang itinuturing ng sangkatauhan bilang pinakamahalaga.

Sa mga pangyayaring nagaganap ngayon sa daigdig, na hindi lubusang maintindihan ng mga tao dito sa mundo, maaaring ang tanging daan upang maunawaan ito ay sa pagbabalik sa nakaraan, sa kasaysayan ng mundo, at maaaring ito ang magbigay liwanag sa madilim na kasalukuyan tungo sa maliwanag na kinabukasan. Ang mga bagay-bagay na nangyari noon ang tanging magbibigay-ilaw sa mga bagay-bagay na nangyayari ngayon, at marahil sa nakaraan natin maapuhap ang daan tungo sa kaunlarang kasundo ng bawat nilalang dito sa daigdig.

Ngunit, kahit na nasa kasaysayan ang kasagutan, hindi tama na mabuhay na lamang tayo sa nakaraan. Anong saysay ng pagkakadalubhasa sa mga pangyayari 'noon' kung hindi naman magagamit upang maayos ang 'ngayon?' Tunay ngang mahalaga ang nakaraan, ngunit hindi dapat doon na lamang matigil ang kasaysayan, dapat ang bawat araw na dumaraan ay maging kasaysayan, ang mundo ay magpatuloy sa pag-ikot at ang tao kasama na ang lahat ng nilalang ay magpatuloy sa pag-unlad.

Tunay nga ang kasabihang ang buhay ay mauunawaan sa pamamagitan ng kasaysayan, ng nakaraan, ngunit dapat ay isabuhay sa direksyon ng hinaharap.
Kasaysayan ng Mundo: Isang Pagbabalik-tanaw

Kami, mga mag-aaral sa Pamantasan ng Regina Carmeli, ay lumikha ng Blog na ito bilang proyekto sa Araling Panlipunan III - Kasaysayan ng Mundo.

Layunin ng blog na ito na:
1. Makabuo ng pinagsama-samang aralin mula ng Unang Markahan hanggang sa Ikatlong Markahan ng panuruang taon sa Kasaysayan ng Mundo
2. Maihatid ang mga araling may kaugnayan sa pag-aaral ng Kasaysayan ng Mundo at iba pang bagay na may kinalaman dito.
3. Mabuksan ang isipan ng mga kabataan ukol sa Kasaysayan ng Mundo tungo sa isang magandang kinabukasan

Mahalagang matimo sa puso't isip ng bawat kabataan ang mga pangyayaring humubog sa kasaysayan ng tao at ng mundong kanilang ginagalawan, upang sila'y maging mga tunay at ganap na mamamayan ng mundong ito na lilikha ng bagong kasaysayan.

Mas lalo naming masusukat kung gaano kaepektibo ang blog na ito kung magbibigay kayo ng mga komento/suhestiyon. Maraming salamat!

Pinagmulan ng Daigdig

Thursday, January 1, 2009



PINAGMULAN NG DAIGDIG

AYON SA BIBLIYA

Origin Belief
  • Mga paniniwala at salaysay ukol sa pinagmulan ng kalawakan, ng ating daigdig, ng buhay at maging ng sangkatauhan ayon sa relihyon.
  • Maliban sa relihiyon, maari rin mangaling ang mga paliwanag sa pinagmulan sa mga pagsusuri ng siyentipiko at mga pagmumunimuning metapisikal
Creationism
  • isang sistema ng paniniwala na ang lahat ng mga bagay at materyak sa kalawakan ay nilikha ng isang diyos o ng isa o higit pang makapangyarihan at matalinong nilalang mula sa kalawakan
  • pamamaraang kahima-himala (supernatural), makadiyos (theistic), o maalamat (mythological)
  • Genesis (Jew), o sa Qur'an (Muslim)

Ayon sa Bibliya

  • nilikha ng Diyos na si Yahweh ang mundo sa loob ng 6 na magkakasunod na araw 1000 taon na ang nakalilipas
Unang Araw:
Liwanag

Ikalawang Araw:
Langit at Lupa

Ikatlong Araw:
Bagay sa Kalawakan, butuin, buwan, atbp
Ikaapat na Araw:
Mga Halaman at Puno

Ikalimang Araw:
Mga Hayop

Ikaanim na Araw:
Tao


AYON SA MGA ALAMAT/ MITO

Creation Myth
  • paniniwala at salaysay ukol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay alinsunod sa kultura ng isang grupo ng tao
  • Ang katagang ito ay hindi angkop at nakapagpapababa ng tingin sa mga kuwentong pinaniniwalaan ng karamihan dahil sa katagang mito o myth (hindi kapani-paniwala at hindi makatotohanan).

MGA PAG-AARAL UKOL SA PAGLIKHA AT KAGANAPAN SA DAIGDIG

1650
  • James Ussher

    ang arsobispong Angelican ng Armagh sa Ireland na nagpahayag na ang paglikha ay naganap noong 4004 B.C.E. Ito ay batay sa kanyang pagtutuos ng numerolohiya sa lumang tipan (Old Testament) ng bibliya.

  • John Lightfoot

    ang master ng St. Catherine’s Cllege sa Cambridge, England. Ayon sa kanya ang araw ng paglikha ay naganap noong ikasiyam ng umaga ng Oktubre 23.

  • Ussher - Lightfoot - ang daigdig ay nasa 6,000 taon pa lang
1800
  • Diluvial Theory - ang mga fossils ay walang iba kundi ang mga labi ng hayop na namatay sa The Great Flood
  • Catastrophe Theory - serye ng mga kalamidad na lumipol sa populasyon ng mga hayop at halaman sa daigdig, kaya't nagkaroon ng 27 paglikha; ayon kay George Cuvier

AYON SA AGHAM

MGA TEORYA TUNGKOL SA PINAGMULAN NG DAIGDIG


Ang Nebular Theory
  • Immanuel Kant (1755) at Pierre-Simon Laplace (1796)
a. isang napakalaking ulap ng mga gas sa kalawakan
b. patuloy na umiikot dahil sa gravity
c. nagsama-sama ang mga gas at dust para maging planeta
  • Nebula (ulap) - Solar System kasama ang Earth
  • Gas + Dust
  • nagpapaikot-ikot ang nebula
  • bumagal at lumamig


Planetisimal Theory
  • Planetisimal - asteroid sa pagitan ng Mars at Jupiter
  • Thomas Chamberlain at Forest Maulton, binago ni Harold Jeffreys
  1. nagbanggaan ang dalawang malaking bituin
  2. ang mga tipak ay tumilansik at nagpaikot-ikot sa kalawakan (mga gas)
  3. tumigas , nabuo at naging planeta (condensation)


Big Bang Theory
  • Georges Lemaitre at Carl Wilhelm Wirtz
  • pinagmulan ng kalawakan (universe)
  1. isang napakasiksik at napakainit na kalagayan (14 B years ago)
  2. lahat ng galaxy - nakapatong sa isang punto
  3. sumabog ang punto - kumalat at lumayo
  • Expanding Universe - Edwin Hubble





Unang Pangkat
III - Modesty

John Lenard Ventura
Zairramayca Adriano
Sharmae Gonzales
Joan Marie Corpuz
Amiel Pineda
Ma. Celerina Baltazar
Angeli Mae Victoria
Ma. Lerica Ina Morales
Jonathan Cruz
Jastine de Regla
Charito Quetua
Reimarck Armas


Sa pamamatnubay ni:

Bb. Madonna C. Roque
Guro - Araling Panlipunan III - Kasaysayan ng Mundo