Wednesday, December 31, 2008
SCIENTIFIC REVOLUTION AT
AGE OF ENLIGHTENMENT
Buksan ang Link:
http://www.fidnet.com/~weid/sciencerevolutionenlightenment.html
SCIENTIFIC REVOLUTION
Mga Pagbabago ng Pananaw sa Scientific Revolution
- nagwakas sa mga paniniwalang namayani sa Middle Ages na walang matibay na batayang siyentipiko
- panahon ng malawakang pagbabago sa pag-iisip at paniniwala na nagsimula sa kalagitnaan ng ika-16 hanggang sa ika - 17 siglo
Mga Pagbabago ng Pananaw sa Scientific Revolution
- Ang pagkakapalit ng Araw bilang sentro ng solar system (heliocentric)
- Ang pagbabago sa Aristotelian theory na ang matter ay walang katapusan at binubuo ng mga elementong lupa, tubig, hangin, apoy at ether. Sinasabing ang matter ay atomistic o corpuscular o ang chemical composition nito ay mas malawak
- Ang pagbabago ng ideya ni Aristotle na ang mga bagay sa kalawakan ay gumagalaw deretso pataas tungo sa kanilang natural na lugar; na ang mga magagaang bagay ay gumagalaw pataas tungo sa kanilang natural na lugar; at ang mga etherial bodies ay gumagalaw sa hindi nagbabagong ikot sa pamamagitan na ang lahat ng bagay ay mabigat at gumagalaw batay sa physical laws
- Ang pagbabago ng konsepto ni Aristotle, na ang lahat ng paggalaw ay nangangailangan ng patuloy na aksyon ng dahilan ng paggalaw, ng konsepto ng inertia ng kapag nasimulan na ang paggalaw, tuloy-tuloy ito hangga’t walang pumipigil
- Amg pagbabago sa pag-aaral ni Galen na magkahiwalay ang mga veins at artery systems na mga ugat sa katawan ng konsepto ni William Harvey na ang dugo ay umiikot mula sa mga artery tungo s mga veins sa isang paikot at hindi humihintong paggalaw
Ilang mga Siyentipikong Nagtaguyod ng Scientific Revolution
- Nicolaus Copernicus (1473 – 1543) – sa kanyang akdang On the Revolutions of the Heavenly Spheres tinalakay ang heliocentric theory na nagsasaad na ang araw ang sentro ng solar system
- Andreas Vesalius (1514 – 1564) – sa kanyang akdang De Humani Corpois Fabrica, ipinaliwanag niyang ang pagdaliy ng dugo ay dahil sa pagtibok ng puso. Nagawa rin niya ang unang human skeleton gamit ang bangkay
- William Gilbert (1544 – 1603) – kanyang akdang On the Magnet and Magnetic Bodies and on the Great Magnet the Earth ipinaliwanag ang magnetism at electricity
- Tycho Brache (1546 – 1601) – nakagawa ng mga masinsing obserbasyon ng mga planeta gamit ang mata lamang
- Sir Francis Bacon (1561 – 1626) – sa kanyang aksang Novum Organum naipaliwanag ang bagong sistema ng logic base sa proseso ng reduction. Ito ay nakatulong ng malaki sa paglinang ng Scientific Method
- Galileo Galilei (1564 – 1642) – nagpaunlad ng telescope, sa pamamagitan nito nadiskubre niya ang apat na pinakamalaking moon ng Jupiter, ang mga phase ng Venus, ang rings ng Saturn at gumawa ng detalyadong obserbasyon ng sunspots
- Johannes Kepler (1571 – 1630) – nagpaliwanag ng laws of planetary motion
- William Harvey (1578 – 1657) – nagpakita kung paano dumaloy ang dugo, gamit ang dissection at ibang techniques
- Rene Descates (1596 – 1650) – sa kanyang aksang Discourse on the Method na nakatulong sa pagbuo ng scientific method
- Antoine van Leeuwenhoek (1632 – 1723) – gumawa ng single lens microscope na nagbukas sa mundo ng microbiology
- Isaac Newton (1643 – 1727) – nagpaunlad sa calculus na nagbukas ng bagong aplikasyon ng matematika sa agham. Siya rin ang patnugot ng 3 Laws of Universal Motion. Itinuro rin niyang ang scientific theory ay dapat lapatan ng mga eksperimento
- Herman Boerhaave (1668 – 1738) – Ama ng Physiology
- Pierre Fauchard (1678–1761) Ama ng Modern Dentistry
- Blaise Pascal (1623–1662) – nakapag-ambag sa paggawa ng mechanical calculators, ang pag-aawal sa mga fluids, at naglinaw sa mga konsepto ng pressure at vacuum
- Denis Papin (1647–1712) – nakaimbento ng steam digester, ang ninuno ng steam engine
- Antoine Lavoisier (1743–1794) – Ama ng Modern Chemistry; nagpalabas ng Law of Conservation of Mass
- Carl von LinnĂ© (1707–1778) – Ama ng Taxonomy
AGE OF ENLIGHTENMENT
- panahon kung kailan nakabuo ang mga iskolar ng mga teorya sa pilosopiya na magiging batayan ng konsepto ng pamahalaan, demokrasya at edukasyon sa modernong panahon
- ika - 18 siglo ng Europa bilang bahagi ng Age of Reason
- binubuo ng mga iskolar na nagtangkang iahon ang mga Europeo mula sa mahabang panahon ng kawalan ng katwiran at pamamayani ng pamahiin at bulag na paniniwala noong Middle Ages
Ilang mga Iskolar/ Philosophe na Nagtaguyod ng Age of Enlightenment
- Thomas Hobbes - pilosopong English; sa kanyang akdang Leviathan kanyang inilahad ang katangian ng tao at ng estado; unang tumalakay ng ideya ng kasunduang panlipunan (socia contracts)
- John Locke - mahalaga ang gitnang uri at ang kanilang karapatan sa pagmmay-ari, pananampalataya sa agha, at tiwala sa kabutihan ng sangkatauhan; sa kanyang Essay Concerning Human Understanding, tinalakay ang konsepto ng tabula rasa - ang utak ng tao ay para lamang blangkong papel na magkakaroon lamang ng laman sa pamamagitan ng paggamit ng limang pandama
- Francois Marie Arouet/ Voltaire - isng pilosopong French na nagtaguyod ng paniniwalang ang demokrasya ay lalo lamang nagtataguyod ng pagiging mangmang ng masa; ang isang enlightened monarch lamang na pinayuhan ng mga intelektwal ang maaaring makapagdulot ng pagbabago
- Baron de Montesquieu - sa kanyang akdang The Spirit of Laws kanyang inihambing ang tatlong uri ng pamahalaan - republika, monarkiya, despotismo
- Denis Diderot - patnugot ng Encyclopedie na siyang tumipon sa halos lahat ng mahalagang manunulat na French sa panahon ng Enlightenment para maambag ang nasabing akda
- Cesare Beccaria - isang Italian criminologist na tumuligsa sa parusang kamatayan sa kanyang akdang Of Crimes and Punishment
- John Howard - isang English prison reformist na naghikayat sa pagpapabuti ng kondisyong pangkalinisan at makataong pagtrato sa mga bilanggo sa kulungan sa Europa
- Jean Jacques Rousseau - Swiss-French na pilosopo, manunulat, teoristang pulitikal at kompositor; sa kanyang akdang Emile tinuligsa niya ang tradisyunal na ideya na ang edukasyon ay pagtuturo ng lahat ng bagay sa isang bata bagkus ito'y pagpapalabas o pagpapalitaw kung ano na ang meron na
- Mary Wollstonecraft - tumalakay sa karapatan ng mga babae sa kanyang A Vindication of the Rights of Women, kung saan sinabi niyang dapat magkaroon ang kababaihan ng karapatang bumoto at magkaroon ng posisyon sa pamahalaan; unang feminist
Buksan ang Link:
http://www.fidnet.com/~weid/sciencerevolutionenlightenment.html
12 comments:
GREAT! I was able to finish my homework because of this. Heehee :)
yeah! 2 more to go :)
hahaha ingay nyo!!~
hahah this was amazing .... thanks for this link ... more power for you creator :)
Menaika sows nmn hahaha.
Janitor Fish! :D
thank you for this article! i am able to answer questions in our pamplet
all iz well
Thanks po naka tulong po ito ng malaki sa akin..:)
help me a lot tnx.. :)
thank to this,,i submitted my project in AP....
This helped me a lot.....
Pweh akala ko puro keme nalang makikita ko thanks to the creator of this page for giving us infos :)
Post a Comment