Isang masinsin at makabuluhang pagbabalik-tanaw sa kasaysayan ng mundo - ang kasaysayan ng sangkatauhan tungo sa magandang kinabukasan.
Kasaysayan ng Mundo: Isang Pagbabalik-tanaw
" Life can be understood backwards, but it must be lived forward."
Sinasabi na ang tanging daan upang maunawaan ang kasalukuyan, para sa ikagaganda ng kinabukasan ay sa pamamagitan ng pagbabalik-tanaw sa nakaraan. Ang pagsilip sa mahaba at masalimuot na kasaysayan ng bawat nilalang sa daigdig na ito ang makapagpapaliwanag sa lahat ng pangyayaring dumadatal sa ating buhay dito sa mundo.
Tayo ay nasa yugto ng kasaysayan ng mundo na tinatawag na Makabagong Panahon, o Modern Age. Ngunit bago marating ng tao at ng mundo ang bahaging ito ng kanyang kasaysayan, marami ng mga pangyayari ang gumimbal sa mga elemento ng oras at panahon dito sa daigdig. Nagsimula ang lahat sa pagkakabuo ng daigdig, sa pamumuhay ng mga pre-historikong nilalang kasama ang ebolusyon ng tao, ang pag-unlad ng mga kabihasnan buhat sa mga kultural na paniniwala, sa pagyabong ng mga kaalaman, kultura at pamamaraang lalong nagpaunlad sa pamumuhay ng tao, ang pagpapalawak sa kanilang "daigdig" na ginagalawan, pagsinay ng kasakiman at pagkakaisa sa sangkatauhan, hanggang sa marating ang mundo sa labas ng Earth, at maabot ang kasalukuyang panahon. Sa mahigit 4.6 bilyong taong kasama ang mundo sa kalawakan, iba't iba nang pangyayari at kaganapan at humubog sa kasaysayan nitong planetang itinuturing ng sangkatauhan bilang pinakamahalaga.
Sa mga pangyayaring nagaganap ngayon sa daigdig, na hindi lubusang maintindihan ng mga tao dito sa mundo, maaaring ang tanging daan upang maunawaan ito ay sa pagbabalik sa nakaraan, sa kasaysayan ng mundo, at maaaring ito ang magbigay liwanag sa madilim na kasalukuyan tungo sa maliwanag na kinabukasan. Ang mga bagay-bagay na nangyari noon ang tanging magbibigay-ilaw sa mga bagay-bagay na nangyayari ngayon, at marahil sa nakaraan natin maapuhap ang daan tungo sa kaunlarang kasundo ng bawat nilalang dito sa daigdig.
Ngunit, kahit na nasa kasaysayan ang kasagutan, hindi tama na mabuhay na lamang tayo sa nakaraan. Anong saysay ng pagkakadalubhasa sa mga pangyayari 'noon' kung hindi naman magagamit upang maayos ang 'ngayon?' Tunay ngang mahalaga ang nakaraan, ngunit hindi dapat doon na lamang matigil ang kasaysayan, dapat ang bawat araw na dumaraan ay maging kasaysayan, ang mundo ay magpatuloy sa pag-ikot at ang tao kasama na ang lahat ng nilalang ay magpatuloy sa pag-unlad.
Tunay nga ang kasabihang ang buhay ay mauunawaan sa pamamagitan ng kasaysayan, ng nakaraan, ngunit dapat ay isabuhay sa direksyon ng hinaharap.
Kasaysayan ng Mundo: Isang Pagbabalik-tanaw
Kami, mga mag-aaral sa Pamantasan ng Regina Carmeli, ay lumikha ng Blog na ito bilang proyekto sa Araling Panlipunan III - Kasaysayan ng Mundo.
Layunin ng blog na ito na: 1. Makabuo ng pinagsama-samang aralin mula ng Unang Markahan hanggang sa Ikatlong Markahan ng panuruang taon sa Kasaysayan ng Mundo 2. Maihatid ang mga araling may kaugnayan sa pag-aaral ng Kasaysayan ng Mundo at iba pang bagay na may kinalaman dito. 3. Mabuksan ang isipan ng mga kabataan ukol sa Kasaysayan ng Mundo tungo sa isang magandang kinabukasan
Mahalagang matimo sa puso't isip ng bawat kabataan ang mga pangyayaring humubog sa kasaysayan ng tao at ng mundong kanilang ginagalawan, upang sila'y maging mga tunay at ganap na mamamayan ng mundong ito na lilikha ng bagong kasaysayan.
Mas lalo naming masusukat kung gaano kaepektibo ang blog na ito kung magbibigay kayo ng mga komento/suhestiyon. Maraming salamat!
Sa pagsasara ng gitnang panahon o middle ages (dark ages) ay marami na ang nagbigay daan upang magkaroon ng muling pagsilang ng mga kulturang klasikal. Nariyan ang madugong pagsusulong ng mga repormasyon at marami pa ang mga digmaang nagdaan bago pa isilang muli ang sinaunang kultura ng mga Griyego at Romano. Ngayon ay tunghayan natin kung ano nga ba talaga ang mga nangyari sa panahon ng muling pagsilang… ang RENAISSANCE
Pagkakasunud-sunod ng mga Pangyayari
Kabihasnang Griyego
Kabihasnang Romano
Pananalakay ng mga Barbaro
Dark Ages
Pamumuno ng Simbahan
Piyudalismo
Krusada
Pag-unlad ng mga Bayan/ Kalakalan
Pagkakatatag ng mga Nation States
RENAISSANCE
Ang Renaissance
> Ito ay nabigyang-daan noong ika-14 siglo
> Ang renaissance ay nangangahulugan ng pagbabalik ng kultura ng Gresya at Roma.
> Ito ay nangangahulugang “rebirth” o muling pagsilang ng ibat-ibang nakasanayan o kultura ng Greece at Rome. Ito’y hinahango sa ibat-ibang aspeto tulad ng sining; panitikan; arkitertura…atbp.
> Isa sa mga binigyang-pansin nito ay ang kahusayan at talento ng tao.
> Ito ay ang pagkabuhay ng kamulatan at kagalingan ng mga Europeo.
>Ang Renaissance ay pinasimulan ng pamilyang Medici ng Florence, na kinabibilangan ni Marie de Medici at Catherine de Medici
==>Si Caterina Maria Romula di Lorenzo de' Medici na mas kilala sa pangalang Catherine de Medici, ay ipinanganak sa France noong ika-13 ng Abril taong 1519. Ang kanyang mga magulang ay sina; Lorenzo II de’ Medici, duke ng Urbino at Madeleine de la Tour d’Auvergne na sabay na namamatay ilang linggo ng siyang ipinanganak. Sa edad na 14 siya at si Henry na anak ni King Francis I ay nag-isang dibdib. Sa pamumuno ng kanyang asawa na si Henry ay naging Reyna siya ng Florence.
> Sila ay mga patron ng sining at tagapagtaguyod ng mga artists
Humanists
isa ang mga HUMANIST sa mga nagbigay-daan sa pagsilang muli ng mga kulturang klasikal. Narito ang kani;lang mga katangian na sadyang kakikitaan ng pagkakaroon ng espesyalisasyon at pagiging mahusay sa lahat ng bagay.
Mga Humanists ng North European Renaissance:
Panitikan:
1. Miguel de Cervantes
- “Don Quixote” 2. Geoffrey Chaucer
- “Canterbury Tales” 3. William Shakespeare
- "pinakadakilang playwright"
- "Romeo and Juliet," "Hamlet" at "Macbeth" 4. Desiderius Erasmus
- In Praise of Folly
5. Thomas More
- Utopia - Perfect/ Ideal Society
Agham:
1. Andreas Vesalius
- " Human Anatomy"
2. Nicolaus Copernicus
- "sun-centered theory"
3. Johann Gutenberg
- printing press (1450)
Mga Humanists ng Italian Renaissance:
Panitikan:
1.
Dante Alighieri
- “Divine Comedy”-(INFERNO) binubuo ng 14,000 linya at pumapatungkol sa paglalakbay ni Dante sa daan patungong kamatayan.
2.
Francesco Petrarch
- Ama ng Humanism; Sonnets
3.
Niccolo Machiavelli
- “The Prince”- na ang tunay na katawagan ay De Principatibus (About Principalities)
4.
Giovanni Boccaccio
- “Decameron”- koleksyon ng halos 100 nobela ni Giovanni Boccaccio.
nagwakas sa mga paniniwalang namayani sa Middle Ages na walang matibay na batayang siyentipiko
panahon ng malawakang pagbabago sa pag-iisip at paniniwala na nagsimula sa kalagitnaan ng ika-16 hanggang sa ika - 17 siglo
Mga Pagbabago ng Pananaw sa Scientific Revolution
Ang pagkakapalit ng Araw bilang sentro ng solar system (heliocentric)
Ang pagbabago sa Aristotelian theory na ang matter ay walang katapusan at binubuo ng mga elementong lupa, tubig, hangin, apoy at ether. Sinasabing ang matter ay atomistic o corpuscular o ang chemical composition nito ay mas malawak
Ang pagbabago ng ideya ni Aristotle na ang mga bagay sa kalawakan ay gumagalaw deretso pataas tungo sa kanilang natural na lugar; na ang mga magagaang bagay ay gumagalaw pataas tungo sa kanilang natural na lugar; at ang mga etherial bodies ay gumagalaw sa hindi nagbabagong ikot sa pamamagitan na ang lahat ng bagay ay mabigat at gumagalaw batay sa physical laws
Ang pagbabago ng konsepto ni Aristotle, na ang lahat ng paggalaw ay nangangailangan ng patuloy na aksyon ng dahilan ng paggalaw, ng konsepto ng inertia ng kapag nasimulan na ang paggalaw, tuloy-tuloy ito hangga’t walang pumipigil
Amg pagbabago sa pag-aaral ni Galen na magkahiwalay ang mga veins at artery systems na mga ugat sa katawan ng konsepto ni William Harvey na ang dugo ay umiikot mula sa mga artery tungo s mga veins sa isang paikot at hindi humihintong paggalaw
Ilang mga Siyentipikong Nagtaguyod ng Scientific Revolution
Nicolaus Copernicus (1473 – 1543) – sa kanyang akdang On the Revolutions of the Heavenly Spheres tinalakay ang heliocentric theory na nagsasaad na ang araw ang sentro ng solar system
Andreas Vesalius (1514 – 1564) – sa kanyang akdang De Humani Corpois Fabrica, ipinaliwanag niyang ang pagdaliy ng dugo ay dahil sa pagtibok ng puso. Nagawa rin niya ang unang human skeleton gamit ang bangkay
William Gilbert (1544 – 1603) – kanyang akdang On the Magnet and Magnetic Bodies and on the Great Magnet the Earth ipinaliwanag ang magnetism at electricity
Tycho Brache (1546 – 1601) – nakagawa ng mga masinsing obserbasyon ng mga planeta gamit ang mata lamang
Sir Francis Bacon (1561 – 1626) – sa kanyang aksang Novum Organum naipaliwanag ang bagong sistema ng logic base sa proseso ng reduction. Ito ay nakatulong ng malaki sa paglinang ng Scientific Method
Galileo Galilei (1564 – 1642) – nagpaunlad ng telescope, sa pamamagitan nito nadiskubre niya ang apat na pinakamalaking moon ng Jupiter, ang mga phase ng Venus, ang rings ng Saturn at gumawa ng detalyadong obserbasyon ng sunspots
Johannes Kepler (1571 – 1630) – nagpaliwanag ng laws of planetary motion
William Harvey (1578 – 1657) – nagpakita kung paano dumaloy ang dugo, gamit ang dissection at ibang techniques
Rene Descates (1596 – 1650) – sa kanyang aksang Discourse on the Method na nakatulong sa pagbuo ng scientific method
Antoine van Leeuwenhoek (1632 – 1723) – gumawa ng single lens microscope na nagbukas sa mundo ng microbiology
Isaac Newton (1643 – 1727) – nagpaunlad sa calculus na nagbukas ng bagong aplikasyon ng matematika sa agham. Siya rin ang patnugot ng 3 Laws of Universal Motion. Itinuro rin niyang ang scientific theory ay dapat lapatan ng mga eksperimento
Herman Boerhaave (1668 – 1738) – Ama ng Physiology
Pierre Fauchard (1678–1761) Ama ng Modern Dentistry
Blaise Pascal (1623–1662) – nakapag-ambag sa paggawa ng mechanical calculators, ang pag-aawal sa mga fluids, at naglinaw sa mga konsepto ng pressure at vacuum
Denis Papin (1647–1712) – nakaimbento ng steam digester, ang ninuno ng steam engine
Antoine Lavoisier (1743–1794) – Ama ng Modern Chemistry; nagpalabas ng Law of Conservation of Mass
panahon kung kailan nakabuo ang mga iskolar ng mga teorya sa pilosopiya na magiging batayan ng konsepto ng pamahalaan, demokrasya at edukasyon sa modernong panahon
ika - 18 siglo ng Europa bilang bahagi ng Age of Reason
binubuo ng mga iskolar na nagtangkang iahon ang mga Europeo mula sa mahabang panahon ng kawalan ng katwiran at pamamayani ng pamahiin at bulag na paniniwala noong Middle Ages
Ilang mga Iskolar/ Philosophe na Nagtaguyod ng Age of Enlightenment
Thomas Hobbes - pilosopong English; sa kanyang akdang Leviathan kanyang inilahad ang katangian ng tao at ng estado; unang tumalakay ng ideya ng kasunduang panlipunan (socia contracts)
John Locke - mahalaga ang gitnang uri at ang kanilang karapatan sa pagmmay-ari, pananampalataya sa agha, at tiwala sa kabutihan ng sangkatauhan; sa kanyang Essay Concerning Human Understanding, tinalakay ang konsepto ng tabula rasa - ang utak ng tao ay para lamang blangkong papel na magkakaroon lamang ng laman sa pamamagitan ng paggamit ng limang pandama
Francois Marie Arouet/ Voltaire - isng pilosopong French na nagtaguyod ng paniniwalang ang demokrasya ay lalo lamang nagtataguyod ng pagiging mangmang ng masa; ang isang enlightened monarch lamang na pinayuhan ng mga intelektwal ang maaaring makapagdulot ng pagbabago
Baron de Montesquieu - sa kanyang akdang The Spirit of Laws kanyang inihambing ang tatlong uri ng pamahalaan - republika, monarkiya, despotismo
Denis Diderot - patnugot ng Encyclopedie na siyang tumipon sa halos lahat ng mahalagang manunulat na French sa panahon ng Enlightenment para maambag ang nasabing akda
Cesare Beccaria - isang Italian criminologist na tumuligsa sa parusang kamatayan sa kanyang akdang Of Crimes and Punishment
John Howard - isang English prison reformist na naghikayat sa pagpapabuti ng kondisyong pangkalinisan at makataong pagtrato sa mga bilanggo sa kulungan sa Europa
Jean Jacques Rousseau - Swiss-French na pilosopo, manunulat, teoristang pulitikal at kompositor; sa kanyang akdang Emile tinuligsa niya ang tradisyunal na ideya na ang edukasyon ay pagtuturo ng lahat ng bagay sa isang bata bagkus ito'y pagpapalabas o pagpapalitaw kung ano na ang meron na
Mary Wollstonecraft - tumalakay sa karapatan ng mga babae sa kanyang A Vindication of the Rights of Women, kung saan sinabi niyang dapat magkaroon ang kababaihan ng karapatang bumoto at magkaroon ng posisyon sa pamahalaan; unang feminist
John Lenard Ventura Zairramayca Adriano Sharmae Gonzales Joan Marie Corpuz Amiel Pineda Ma. Celerina Baltazar Angeli Mae Victoria Ma. Lerica Ina Morales Jonathan Cruz Jastine de Regla Charito Quetua Reimarck Armas
Sa pamamatnubay ni:
Bb. Madonna C. Roque Guro - Araling Panlipunan III - Kasaysayan ng Mundo
Ang Blog na ito ay iniakda ng Unang Pangkat mula sa III - Modesty na sina John Lenard Ventura, Zairramayca Adriano, Sharmae Gonzales, Joan Marie Corpuz, Amiel Pineda, Ma. Celerina Baltazar, Angeli Mae Victoria, Ma. Lerica Ina Morales, Jonathan Cruz, Jastine de Regla, Charito Quetua, Reimarck Armas sa pamamatnubay ng aming guro sa Araling Panlipunan III - Kasaysayan ng Mundo, Bb. Madonna C. Roque